Ang nasa ibaba po ay isang video na ang layon ay ipaliwanag kung paano nagkakaroon at saan at papaano ginagawa ang pera. Subali't habang atin pong sundan ang nasabing video, lalong lumalalim at at nawawala na tayo at nalilito sa kanilang mga paliwanag. Ayon na rin po sa mga nagsasaliksik ukol sa bagay na ito, sinasadyang ginawang komplikado ang economics ng bansa, at hindi itinuturo sa paaralan, sa layuning maging tanga, ignorante, at bobo ang mga tao habang patuloy silang pinagnanakawan ng mga taong sobrang yaman na sila ring may ari at nagpapatakbo ng sistemang ito.
Kaya't ang nilalaman ng blog na ito ay ibig ipaliwanag kung papaano at bakit lubog sa utang ang mga gobyerno.
Kahit po ang mayayamang bansa ay lubog din sa katakot-takot na halaga ng salapi:
Pansinin po natin sa video sa ibaba i fast-forward po natin sa 18 minutes at 50 seconds running ay ipinapaliwanag ng presenter na tapos na ang pangungutang ng Gobyerno at natanggap na nga nila ang 'Pera' na siya ring ipinrint, sa kaso ng bansang Pilipinas, ay ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Teka muna, sino ba ang may ari ng Bangko Sentral ng Pilipinas? Hindi ba ito ay sakop ng Gobyerno ng Pilipinas?
Eto po ang Sagot ayon na rin po sa Philippine official government website:
Ayan po, sila na rin po mismo ang may sabi na ang BSP ay independent at may autonomy o hiwalay at may sariling desisyon ito at hindi sakop ng Presidente, Kongreso, at Uficina ng mga Hukom.
Ang layon ng pagbuo ng BSP ay para raw gawing stable o sigurado ang presyo ng mga bilihin? sigurado para kanino? Siempre, para sa mga may ari ng BSP nang sa gayon ay sa bawat benta ng anuman na ginagamitan ng opisyal na pera ng bansa, ay may kagat sila. Di po ba? heheh.
Sa nasabing parte ng video sa itaas ay ginastos na ng gobyerno ang inutang na pera mula sa Bangko at siyang makikita nating paggawa ng mga pulitiko halimbawa ng mga kalsada [na halos hindi matapos tapos], mga proyekto sa DPWH, DOH, DOE, DOLE, at iba pa. Ang mga proyektong ito na nakikita na, o malamang ay ibinulsa na rin, ng ating mga mata ay siyang hudyat na lalong nababaon sa utang ang bansa natin.
Subalit hindi naman ang mga pulitiko ang siyang magbabayad ng utang na iyan, kundi ang karaniwang mamamayang Pilipino. Ngunit paano nila ginagawa ito?
Sa kaugnayan ng BSP, ito ay sa pamamagitan ng mga napakaraming at sinasadyang panglito na tax, mga idineklara at palihim.
Ang pag taas ng mga presyo ng bilihin ay siyang TAX na HINDI HALATA. Tumataas ang presyo ng asukal o bigas, hindi dahil sa kakaunti lang ang supply, kundi may ipinatong na TAX dito ang Bangko Sentral ng Pilipinas na pag-aari ng mga ultra Yaman.
Kapag may nakikita na tayong mga ganitong gawain, gaya ng sa ibaba:
Aba! masamang signal po iyan. Dahil ang ibig sabihin niyan, sa loob ng 5-10 taon ay lalong tataas ang mga presyo ng bilihin, hospital bills, LAHAT!
Ganyan po ang sistema ng ekonomiyang pambuong daigdig, ang kahirapan ng karaniwang mamamayan sa ganitong uri ng raket ay garantisado. Sadyang nakakapanglumo ng damdamin ang ganitong katotohanan, subalit mas maigi naman po ang alam ang totoo kesa bulag di po ba?
[masamang tawa isingit dito ------> _______________]